kalbaryo ng mahabang paghihintay para sa taong minamahal |
pakiramdam tulo'y parang napagiwanan
pag-alis ay di rin magawang paraan
kaya pagsusulat ng tula'y aking napagisipan.
maingay na kalye,
tunay na mausok
sama't amoy nito'y
tila pa nakasusulasok.
masakit na ang sakong
ang pwet di pa maipatong
'di na batid,
kung san 'to hahantong
ika nga nila,
birtud ang paghihintay
buti pala't walang dito'y namamatay
ngunit tiyak lamang na ika'y mangangalay
sana bago pa man ang likod ko'y bumigay
dumating na sana siya't tapusin na ang aming pagkakawalay
sabay ng tamis ng ngiting kanyang iaalay
pagka't dahil lamang sa aking pagsinta ito'y kinakaya
This comment has been removed by the author.
ReplyDeleteparang may kulang, pero ayos nadin
ReplyDelete