Showing posts with label doh. Show all posts
Showing posts with label doh. Show all posts

Sunday, August 21, 2011

CHECK YOUR NLE JULY 2011 RATING!



Meron na pong rating sa PRC Official Website!
Kelangan mo lang ng Application Number mo. (Yung nasa upper-right corner ng NOA mo)


Click the following links:

VERIFY YOUR NAME
VERIFY YOUR RATING

Saturday, August 20, 2011

RN NA AKO! Numero 27746!


RN NA AKO!
27746 PETROLA, KEITH GIOMEER RAPOSAS 


List of successful examinees in the July 2011 Nurse Licensure Examination

Performance of schools in the July 2011 Nurse Licensure Examination



Ang saya ng pakiramdam na nakapasa!
Hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na to!
Mga 6PM ay sinubukan kong buksan ang PRC Website at nang makita ako ay tamang-tamang kakapost palang na 37K out of 78K (48%) ang nakapasa.
Nadoble ang kaba ko.
Hindi ko agad nakita ang pangalan ko kasi ang bagal magload ng PRC Website.
Kaya napilitan akong pumunta sa iba pang website.
Una kong nalaman na nakapasa ang pinakamamahal kong si JENNICA IRENE RAMOS EDADES.
kahit pa masaya ako, 4x na ang kaba ko.
Habang hinihintay na umabot sa pangalan ko, tumawag na si Sir Pres at siya ang unang nagsabing nakapasa ako!
Saka ko nabasa ang pangalan ko.






27746 PETROLA, KEITH GIOMEER RAPOSAS 
Nakapasa ako! Nakapasa ako! Nakapasa ako!
Sobrang saya ko!
Nakapasa ako:
Kahit pa tinapos ko ng 30 minutes ahead of time ang NP3.
Kahit pa hindi ko natiis na hindi magtanong ng sagot after the boards.
Kahit pa nakalimutan kong magdasal bago ang isang NP.

MARAMING SALAMAT PANGINOON!
Gaya po ng pinangako sa'yo, gagawin ko po ang lahat ng aking makakaya para makatulong sa iba.

MARAMING SALAMAT SA AKING PAMILYA!
MARAMING SALAMAT SA AKING LOLA NA SIYANG NAGPAARAL SA AKIN!
MARAMING SALAMAT SA LAHAT NG NANINIWALANG MAKAKAPASA AKO!
PARA SA INYO ANG TAGUMPAY NA ITO SA BUHAY KO.
MARAMING SALAMAT!

Salamat sa Mangaldan National High School (100% Passing Rate ng Archi!  2007)
Salamat at congrats sa University of Pangasinan PHINMA Education Network (75% ang Batch 2011!)
Congrats sa mga E-Hilliminators at sa buong CBRC!
100% (3/3) Passing rate kami sa Boarding House!
Congrats sa'tin Meriden!
Congrats din sa mga kapwa kong graduates ng UPang na nakapasa!
75% First-Taker, 64% Over-all!
WOW! Number 1 pa rin!
Congrats ate Khris! Sa wakas, may topnotcher ulit ang UPang!


List of successful examinees in the July 2011 Nurse Licensure Examination

Performance of schools in the July 2011 Nurse Licensure Examination

Tuesday, August 2, 2011

MALAYANG SULAT: NARSING NGAYON

IPAGPATULOY ANG PAGIGING NARS O HINDI?

Ito ay isang tanong na ewan ko kung bakit pero paulit-ulit na umuugong sa isip ko
Napagtanto ko na baka naiisip ko lamang ito dahil sa ito ay naayon sa sitwasyon ko ngayon
*Bakit nga ba ang mga nagtapos ng Narsing, at maging ang mga propesyonal na Nars, tulad ko, ay kadalasang humahantong sa pagpasok sa ibang larangan gaya ng komersyo/kalakalan?
*May maituturing bang relasyon sa pagitan ng dalawang larangang ito?
*Ano ang kinabukasan ng mga Nars sa industriya ng BPO o sa komersyo/ kalakalan sa pangkalahatan?



Unang-una, tungkol sa pagpasok ng mga Nars sa larangan, hindi maikakaila na ito ay dahil sa mga problemang kinakaharap ngayon ng nasabing Propesyon hindi lamang sa Pilipinas ngunit pati narin sa buong mundo
Maraming mga tinitingalang tao sa Propesyon ang naniniwalang walang problema sa mismong mga Nars: na karamihan sa mga Nars na kasalukuyang walang trabaho ngayon ay kwalipikado ngunit ang tunay na problema ay nasa mga sumusunod:
1. sistema ngayon ng pagkuha ng mga Nars sa mga Hospital kung saan dapat nagtatrabaho ang mga Nars
~ narito ang popular na isyu ukol sa pagbabayad pa di umano ng mga nars para lamang makapasok bilang Volunteer Nurse at ang pagbabayad ng malaking halaga para sa mga training
2. kawalan o kakulangan ng suporta ng Gobyerno sa mga nars
~ bagama't kinilala ni Pangulong Aquino ang mga Nars sa kanyang ikalawang SONA ay masasabing hindi parin umano ito sapat para masagot ang tunay na problema ng mga Nars: TRABAHO
~ bagama't may mga ipinatutupad nang mga programa ngayon ang DOH para tugunan ang nasabing problema gaya ng RNHeals at NARS.
3. at ang mga polisiya sa ibang bansa na nakaka-apekto sa kalagayan ng pagtatrabaho nga mga nars sa mga bansang ito
~ Diskriminasyon. Isang lantarang problema sa ibang bansa.
~ Sa Estados Unidos, may polisiyang mas gugustuhin pa raw ni Pangulong Obama na magkaroon ng higit sa isang trabaho ang isang 'Kano kaysa ibigay ito sa isang dayuhan gaya ng mga Pilipino. Di umano maikakaila na ang hakbang na ito ay para mabawasan ang "pasanin" ng mga mamumuhunan sa nasabing bansa sa benepisyo kanilang mga empleyado.
~ Sa Saudi, kamakailan lamang, ay ipinatupad ang "Saudization" na kung saan binibigyan umano ng prayoridad ang mga Arabo kaysa mga dayuhan.
Ang tatlong kadahilanang ito ay ilan lamang sa mga tinitignang rason sa likod nito.

Ikalawa, sa aking pagsusuri ay maraming pagkakapareho ang larangan ng Narsing at Komersyo't Kalakalan.
nagkakapareho ang mga ito sa maraming aspeto. ang ilan sa mga ito ay parehong dumedepende ang dalawang ito sa prisipyo ng Supply at Demand at gumagamit din ang dalawa ng Audit para malaman ang antas ng resulta ng kani-kanilang serbisyo. 
Sa (Salamat sa subject na Nursing Economics)
~ ngunit, sa aking palagay, ang pinaka-magandang pagkakatulad ng mga ito ay ang katotohanang parehong nakatuon patungo sa kaluguran ng mga kliyente.

Ukol naman sa ikatlong tanong, tiyak na may kinabukasan ang Nars sa Komersyo/ Kalakalan.
nariyan ang pangusbong ng bagong masasabing sangay ng Narsing, ang EntrepreNURSE na kung saan ay hinihikayat pang mamuhunan ang mga Nars na magtayo ng sariling negosyo, maging amo sa halip na maging empleyado para tiyak na kumita rito.
kapansin-pansin naring maraming Nars na nagiging produktibo sa pamamagitan ng pagpasok sa industriya ng pagbebenta (gaya ng mga nasa BPO o Business Process Outsourcing at mga Medical Representative para naman sa mga Pharmaceutical Company).
meron din namang mga Nars na nagiging empleyado sa mga 
nababahala lamang ako sapagkat alam kong ang ito, lalo na ang mga nasa BPO, ay direktang naiimpluwensyahan ng pangkasalukuyang lagay ng ekonomiya ng ibang bansa lalo na ng Estados Unidos.
sabi nga sa isang pahayagang nabasa ko, ang BPO ay isang industriya na madaling lumago't umunlad at, gayundin, ay madaling bumagsak.
sa ngayon ay hindi iyan inportante ang mga kumplikadong bagay na ito. Ang importante ay sinusubukan at pinagsusumikapan ng bawat Pilipinong maging produktibo hanggang sa abot ng kanilang makakaya.
ika nga nila, kung gusto may paraan, kung ayaw may dahilan.

Ikaw, anong masasabi mo sa paksang ito?

NOTE: Dahil sa Buwan ng Wika ngayon ay nagpasya ako na gamitin ang Filipino para rito.

Sunday, July 17, 2011

TOP 10 NURSING MUST-READS!



10 Nursing-Related Articles that gives you the real dose about the profession.




50 Essential Web Resources Every Nurse Should Bookmark
Pretty good list of some important website links and references for both Nursing Students and Professional Nurses. These links will eventually help nurses and in turn may also result to increase of the quality of care that they give to each of their clients.


NURSING SPECIALTIES
List of the Specialties under the Nursing Profession. It's important for nurses to pick their specialties to ensure enhancement of their competencies through Continuing Education under Professional Organizations and Certifying Boards.


E-Prescribing Doesn't Make The Grade
A study conducted to evaluate the efficiency of Computer-generated/assisted Prescription (or simply E-Prescription) shows an unwanted result. Nurses must know this as they should, nowadays, be technologically savvy.


3 male nurse myths
This article answers some of the MYTHS and STIGMAS directed towards Male Nurses as this was written by none other than a male nurse too.


10 HIGHEST PAYING NURSING SPECIALTIES
Be guided by this informative image on what to pick as your Nursing Specialty. Clinical Nurse Specialist, Gerontology and Pediatric Nursing aren't on the Top 3.


RN Salary: How Much Money Does a Registered Nurse Make?
Did you ever wonder how much an American Nurse usually earn per annum? Read this article and find out what US State will give you the highest salary.


NURSES BY NUMBERS
Another interesting image of shocking facts and figures about Nursing like 1 out of 5 ER Nurses can be categorized as with PTSD.


NCLEX and Nursing Board Exam Fundamentals of Nursing Bullets
Are you a Licensed Nurse, or just planning to take up the Licensure Examination, or even still a Student Nurse? Don't ever forget the fundamentals! Check out the 466 bullets in this article and be enlightened once more about the basic Nursing principles!


Nursing Education
What is NURSING? This is a must-read for those graduating High School students who are planning to take up Nursing. As clearly defined by ANA, this will enlighten you what to expect in Nursing.


Differences Between Graduate Nurse and Experienced Nurses
There are a lot of differences between the two as what this article tells us. And these comparison's not too hard to see in the area too.

Do you have anything to add to this list?
Comment below and let's add it to the next update of this list!
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...