Tuesday, August 2, 2011

MALAYANG SULAT: NARSING NGAYON

IPAGPATULOY ANG PAGIGING NARS O HINDI?

Ito ay isang tanong na ewan ko kung bakit pero paulit-ulit na umuugong sa isip ko
Napagtanto ko na baka naiisip ko lamang ito dahil sa ito ay naayon sa sitwasyon ko ngayon
*Bakit nga ba ang mga nagtapos ng Narsing, at maging ang mga propesyonal na Nars, tulad ko, ay kadalasang humahantong sa pagpasok sa ibang larangan gaya ng komersyo/kalakalan?
*May maituturing bang relasyon sa pagitan ng dalawang larangang ito?
*Ano ang kinabukasan ng mga Nars sa industriya ng BPO o sa komersyo/ kalakalan sa pangkalahatan?



Unang-una, tungkol sa pagpasok ng mga Nars sa larangan, hindi maikakaila na ito ay dahil sa mga problemang kinakaharap ngayon ng nasabing Propesyon hindi lamang sa Pilipinas ngunit pati narin sa buong mundo
Maraming mga tinitingalang tao sa Propesyon ang naniniwalang walang problema sa mismong mga Nars: na karamihan sa mga Nars na kasalukuyang walang trabaho ngayon ay kwalipikado ngunit ang tunay na problema ay nasa mga sumusunod:
1. sistema ngayon ng pagkuha ng mga Nars sa mga Hospital kung saan dapat nagtatrabaho ang mga Nars
~ narito ang popular na isyu ukol sa pagbabayad pa di umano ng mga nars para lamang makapasok bilang Volunteer Nurse at ang pagbabayad ng malaking halaga para sa mga training
2. kawalan o kakulangan ng suporta ng Gobyerno sa mga nars
~ bagama't kinilala ni Pangulong Aquino ang mga Nars sa kanyang ikalawang SONA ay masasabing hindi parin umano ito sapat para masagot ang tunay na problema ng mga Nars: TRABAHO
~ bagama't may mga ipinatutupad nang mga programa ngayon ang DOH para tugunan ang nasabing problema gaya ng RNHeals at NARS.
3. at ang mga polisiya sa ibang bansa na nakaka-apekto sa kalagayan ng pagtatrabaho nga mga nars sa mga bansang ito
~ Diskriminasyon. Isang lantarang problema sa ibang bansa.
~ Sa Estados Unidos, may polisiyang mas gugustuhin pa raw ni Pangulong Obama na magkaroon ng higit sa isang trabaho ang isang 'Kano kaysa ibigay ito sa isang dayuhan gaya ng mga Pilipino. Di umano maikakaila na ang hakbang na ito ay para mabawasan ang "pasanin" ng mga mamumuhunan sa nasabing bansa sa benepisyo kanilang mga empleyado.
~ Sa Saudi, kamakailan lamang, ay ipinatupad ang "Saudization" na kung saan binibigyan umano ng prayoridad ang mga Arabo kaysa mga dayuhan.
Ang tatlong kadahilanang ito ay ilan lamang sa mga tinitignang rason sa likod nito.

Ikalawa, sa aking pagsusuri ay maraming pagkakapareho ang larangan ng Narsing at Komersyo't Kalakalan.
nagkakapareho ang mga ito sa maraming aspeto. ang ilan sa mga ito ay parehong dumedepende ang dalawang ito sa prisipyo ng Supply at Demand at gumagamit din ang dalawa ng Audit para malaman ang antas ng resulta ng kani-kanilang serbisyo. 
Sa (Salamat sa subject na Nursing Economics)
~ ngunit, sa aking palagay, ang pinaka-magandang pagkakatulad ng mga ito ay ang katotohanang parehong nakatuon patungo sa kaluguran ng mga kliyente.

Ukol naman sa ikatlong tanong, tiyak na may kinabukasan ang Nars sa Komersyo/ Kalakalan.
nariyan ang pangusbong ng bagong masasabing sangay ng Narsing, ang EntrepreNURSE na kung saan ay hinihikayat pang mamuhunan ang mga Nars na magtayo ng sariling negosyo, maging amo sa halip na maging empleyado para tiyak na kumita rito.
kapansin-pansin naring maraming Nars na nagiging produktibo sa pamamagitan ng pagpasok sa industriya ng pagbebenta (gaya ng mga nasa BPO o Business Process Outsourcing at mga Medical Representative para naman sa mga Pharmaceutical Company).
meron din namang mga Nars na nagiging empleyado sa mga 
nababahala lamang ako sapagkat alam kong ang ito, lalo na ang mga nasa BPO, ay direktang naiimpluwensyahan ng pangkasalukuyang lagay ng ekonomiya ng ibang bansa lalo na ng Estados Unidos.
sabi nga sa isang pahayagang nabasa ko, ang BPO ay isang industriya na madaling lumago't umunlad at, gayundin, ay madaling bumagsak.
sa ngayon ay hindi iyan inportante ang mga kumplikadong bagay na ito. Ang importante ay sinusubukan at pinagsusumikapan ng bawat Pilipinong maging produktibo hanggang sa abot ng kanilang makakaya.
ika nga nila, kung gusto may paraan, kung ayaw may dahilan.

Ikaw, anong masasabi mo sa paksang ito?

NOTE: Dahil sa Buwan ng Wika ngayon ay nagpasya ako na gamitin ang Filipino para rito.

1 comment:

speak up!
what do think about this?

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...